Simultaneous Labor Day job fairs, isinagawa sa Marikina
MANILA, Philippines — Nagdaos nang sabayang job fairs ang tanggapan ni Marikina 1st District Representative Marjorie Ann “Maan” Teodoro sa Marikina City Hall at SM City Marikina kahapon, kasabay nang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day.
Ito’y upang mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng trabaho at mapagkukunan ng ikabubuhay ang mga residente ng lungsod.
“Tayo po sa Marikina, gusto po natin hindi lang ang panandaliang ayuda, gusto natin ay pangmatagalang tulong, at itong mga trabahong ibibigay po natin at makukuha po ng ating mga kababayan ay napakalaking bagay para sa kanilang pamilya,” ayon kay Cong. Maan, sa kanyang talumpati sa job fair na isinagawa sa SM Marikina.
Anang mambabatas, kabuuang 15 kompanya ang nakibahagi sa naturang job fair na isinagawa sa quadrangle Marikina City Hall habang 35 kumpanya naman ang nakiisa sa job fair sa SM City Marikina.
Nabatid na kabilang sa mga kompanyang lumahok sa aktibidad ay Business Process Outsourcing firms (BPOs), mga bangko, transportation companies, food chains, supermarket chains, telecommunications companies, shoe manufacturers, government agencies at mga paaralan.
- Latest