^

Metro

27K kaso ng breast cancer naitatala kada taon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 27,000 mga bagong kaso ng breast cancer ang naitatala kada taon.

Ito ang naging paha­yag ng medical expert na si Dr. Marvin Mendoza, head ng Section of Medical Oncology, National Kidney and Transplant Institute.

Ayon pa kay Mendoza na kung nais na makapagligtas ng mas maraming buhay, ma­ngangailangan ito ng mas malaking pondo buhat sa pamahalaan, hindi lamang para sa gamutan kundi maging sa testing.

Ipinaliwanag pa nito, na ang maagang diagnosis at treatment ay mala­yong mas epektibo kaysa sa paggamt sa mga late-stage na ng sakit.

“For breast cancer patients who cannot afford the required 18 treatment cycles worth P300,000 to P450,000, they can go to at least 23 public hospitals throughout the country for free treatment,” dagdag pa nito.

Ipinaliwag pa nito na mayroon lamang na 200 o higit dito ang mga pas­yente naa-accommodate sa buong bansa dahil nga  mababa sa P1 bilyon ang inilaan ng Department of Health (DOH) para sa programa.

“Given today’s medical advances and innovations, cancer is now treatable.Medical innovation has progressed over the years to make treatment more effective and patient-considerate, as well as easier for healthcare providers to administer, reaching more patients in a timely manner,” dagdag pa ni Mendoza.

Malalabanan umano ang cancer sa kasalukuyan kung saan makapag­liligtas ng buhay.

Ayon pa sa kanya ginagawa nila ang lahat para maging accessible ang paggamot nationwide, partikular sa mga walang kakayanan para sa gamutan.

Ang mga gamot umano sa ibat-ibang uri ng kanser ay available locally.

MARVIN MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with