^

Metro

P500-P10K multa sa traffic violations

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P500-P10K multa sa traffic violations
Heavy traffic starts to build up on the southbound lane of the Guadalupe Bridge along EDSA in Makati City during the morning rush hour on February 2, 2023.
STAR/Miguel De Guzman

Sa ilalim ng single ticketing system

MANILA, Philippines — Inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga karampatang multa sa mga paglabag sa ilalim ng single ticketing system, sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code.

Pinakamataas dito na aabot sa P10,000 ang multa sa hindi pagsusuot ng motorcycle helmet.

Base sa tuntunin na napagkaisahan ng Metro Manila Council, ang MMDA’s policy making body na binubuo ng 17 Metro Manila mayor ang multa ay nagmumula sa P500 hanggang sa P10,000 depende sa paglabag at kung gaano kadalas itong nalalabag ng isang motorista.

Sa napagkasunduang panuntunan, ang mga violators ay inaatasang magmulta ng P500 sa paglabag sa number coding, gayundin sa tricycle ban at pagiging arogante; P1,000 ang multa sa disregarding traffic sign, attended illegal parking o yung may driver sa loob ng sasakyan, loading at unloading, overspeeding, di paggamit ng seat bealt; P2,000 naman ang multa sa unattended illegal parking, light truck ban at unauthorized modification, habang P3,000 naman sa truck ban.

Depende naman sa kung gaano kadalas na paglabag,  P1,000 sa unang paglabag, P2,000 sa second offense, at P2,000 na may seminar sa succeeding offenses sa  reckless driving; P500, P750 at P1,000 sa dress code ng motorista; P2,000 at P5,000 sa illegal counterflow; P1,000, P2,000 at P5,000 sa hindi paggamit ng child restraint system (CRS); P1,000, P3,000 at P5,000 sa paggamit ng substandard CRS; P1,500, P3,000, P5,000 at P10,000 sa hindi paggamit ng motorcycle helmet; P3,000 at  P5,000 sa may  helmet nga pero walang  import commodity clearance o  ICC marking; and P3,000, P5,000 at  P10,000 sa paglabag sa  Children’s Safety on Motorcycles Act.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, ang mga mahuhuli sa paglabag ay kailangang magbayad ng multa sa loob ng sampung araw matapos silang maaresto. Tiniyak din nito na maaalis sa rekord ang kanilang paglabag matapos na sila ay makapagbayad.

TRAFFIC VIOLATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with