^

Metro

3 timbog sa P61 milyong shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 timbog sa P61 milyong shabu
Kinilala ang mga suspek na sina Christian Ely C. Desiderio , 19; Jerico Rayos Torres, at John Andree G.Santos 22, pawang taga-Taguig City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mahigit sa P61 mil­yong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Group, National Capital Region Police, Criminal Investigation and Detection Group at Philippine Drug Enforcement Administration sa Taguig City, nitong Enero 10.

Kinilala ang mga suspek na sina Christian Ely C. Desiderio , 19; Jerico Rayos Torres, at John Andree G.Santos 22, pawang taga-Taguig City.

Dakong alas-9:30 ng gabi ng Lunes nang masakote ang mga suspek sa Block 20, Unit D, Barangay Sta Ana, Prudence, Taguig City

Nasamsam sa mga nadakip ang nasa  9 na kilong shabu  na nagkakahalaga ng nasa P61,200,000.

Nabawi rin ang 10 bundle ng boodle money at 2 genuine na P1,000 bills na ginamit sa buy-bust.

Kumagat ang mga suspek sa pagbili ng malaking halaga ng shabu ng poseur-buyer kaya naging matagumpay ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Special Operations Unit ng NCRPO,  PNP DEG (Lead Unit), at iba pang pwersa ng NCRPO, CIDG, Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police Station at PDEA-NCR.

vuukle comment

JERICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with