Mayor Joy, no. 1 pa rin sa Quezon City
MANILA, Philippines — Si Quezon City Mayor Joy Belmonte pa rin ang pinagkakatiwalaan ng mga taga-lungsod na mamumuno at magsagawa ng mga programa at mga polisiya.
Ito ang lumabas na resulta ng ‘independent survey’ na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. nitong September 6, 2021 at nangunguna pa rin ang pangalan ni Mayor Joy sa mga pinagkakatiwalaang opisyal sa lungsod.
Batay sa survey, kung gaganapin ang halalan sa ngayon, para sa pagka-alkalde, 57% ng mga botante ang mananatiling boboto sa nag-iisang anak na babae ni dating Quezon City Mayor at House of Representative Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte.
Bagama’t pumangalawa, malayo ang porsiyento na nakuha ni dating QC Mayor Herbert Bautista na may 24% lamang at sinundan ni Anak Kalusugan Partylist Representative Michael “Mike” Defensor na 14% lang sa nasabing survey.
Base sa resulta ng survey, nagtitiwala ang mga taga-QC na maayos na naitataguyod ni Belmonte ang kanyang mga adhikain para makalikha ng mga programa na magbebenepisyo sa mga taga-lungsod.
- Latest