^

Metro

Bed expansion sa Quezon City HOPE facilities, isinagawa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bed expansion sa Quezon City HOPE facilities, isinagawa
Ayon kay Dr. Esperanza Arias, head ng City Health Department, nagdagdag ang lokal na pamahalaan ng dagdag na kama, oxygen tanks, at mga gamot para sa lahat ng 11 COVID facilities ng lungsod.
Walter Bollozos

Dahil sa dumaraming minors na nagkaka-COVID-19

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng bed expansion ang Quezon City government sa kanilang HOPE community care facilities para sa dumaraming kabataan ang napapatunayang positibo sa  COVID-19, gayundin ang kanilang pamilya o mga guardian.

Ayon kay Dr. Esperanza Arias, head  ng  City Health Department, nagdagdag ang lokal na pamahalaan ng dagdag na kama, oxygen tanks, at mga gamot para sa lahat ng  11  COVID facilities ng lungsod.

Sinabi pa nito  na nagdagdag sila ng family rooms sa lahat ng kanilang HOPE facilities para ma-accommodate ang dagdag na COVID-positive children kasama ang  kanilang pamilya na nag- aalaga sa mga ito.

Ayon kay Arias, ang lokal na pamahalaan ay kumakalap ng dagdag na mga tauhan para sa bubuksang tatlong dagdag pa na  HOPE facilities.

Sa data ng City Epi­demiology and Di-sease Surveillance Unit (CESU), may 9 percent o  318 ng  COVID cases na naitala sa pagitan ng  August 1 hanggang 7  na pawang kabataan na may edad 17-anyos pababa.  May 169 o 5 percent na may edad 0 hanggang 11-anyos , habang  149 o 4 percent  mula sa  12  hanggang 17 year age group.

Ang kabuuang bilang ng kaso sa panahong ito ay 293 percent  na mas mataas sa 81 na naitalang positibo  sa mga kabataan noong July 1 hanggang July 7.

Una nang nagpa­la­bas ng guidelines ang QC government na ba­wal ang  home quarantine para sa mga kumpirmadong COVID-19 cases at symptomatic close-contacts at kailangan ang mga itong mailipat agad sa ospital ng QC o sa HOPE community caring facilities, barangay isolation facilities o sa national government-accredited isolation hotels.

HOPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with