^

Metro

‘Buhay sa Gulay’ palalawakin sa Metro Manila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones na palalawakin pa nila ang ‘’Buhay sa Gulay’  sa Metro Manila na layong mabigyan ng kabuhayan at pagkain ang  malilit na Pilipino na lubhang apektado ng  pandemya.

Kahapon ay pinangunahan  ni  Castriciones ang pag-ani ng mga gulay  na pechay, mustasa at kangkong na itinanim sa  apat na barangay sa Caloocan City noong Pebrero 11. Plano rin ni DAR na maglagay sa  Pasig, Mandaluyong at Makati.

Kabilang dito ang Brgy.165 ni Chairman Victorio Dantes na may 64  taniman ng  gulay; Brgy. 166, ni Chairman Magdalena Gregorio na may 60 taniman; Brgy. 167 ni  Chairman Tony Reyes na may 35 flats o taniman ng gulay at  habang  nasa 44 na  flats naman sa Brgy. 168 ni Crisanta  Del Rosario.

Ikinatuwa ni Castriciones  ang mga magaganda at malalaking tubo ng mga gulay  sa  apat na mga barangay na indikasyon  na  naaalagaan at sinunod ang tamang pagtatanim.  Dagdag pa nito na  dapat na mapanatili  ang  maayos na pagtatanim dahil daan ito sa pag-angat sa buhay .

Samantala, sa Brgy. 166, naglaan ng suki pass si Gregorio na magiging ID ng mga mamimili upang  makabili ng murang gulay. Aniya, malaki ang matitipid ng mga mamimili sa pamasahe at pagod.

Dinagdagan din ni Gregorio ng  upo ang  lugar upang  mas maraming puwedeng anihin sa mga susunod na  buwan.  24/ 7 ang  pagbabantay na ginagawa upang matiyak na walang  hayop na maninira sa mga tanim. Naglagay din ng solar panel upang may ilaw ang  taniman sa gabi.

JOHN CASTRICIONES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with