2 preso ng Correctional, patay sa COVID-19
MANILA, Philippines — Dalawang matandang inmate sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang kumpirmadong nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), noong Lunes ay binawian na ng buhay ang 72-anyos na bilanggo na itinuturing na kauna-unahang inmate ng CIW na dinapuan ng virus.
Naisugod pa ito sa tatlong pagamutan bago tuluyang binawian ng buhay dahil sa kumplikasyon ng sakit.
Nabatid na Abril 21 naman nang unang bawian ng buhay ang isang 61-anyos na CIW inmate dahil sa kidney failure, sepsis at pneumonia ngunit nitong Lunes din ay nakumpirmang positibo rin siya sa COVID-19.
Dahil naman sa naturang kumpirmasyon, sinabi ng BuCor na nasa 49 bilanggo na ngayon ng CIW ang positibo sa virus.
Ang 47 pa namang CIW inmates na may sakit pa ay nananatili namang naka-isolate sa Site Harry ng Medium Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Tiniyak naman ng BuCor na nananatiling nasa stable condition ang mga ito at karamihan sa kanila ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas ng karamdaman.
Related video:
- Latest