Backrider huli sa boga, droga
MANILA, Philippines — Arestado ng isang 35-anyos na lalaki nang pumalag at bumunot umano ng baril habang kinukuwestiyon sa ‘Oplan Sita’, sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.
Bukod sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunitions Regulation Act), sa nakumpiskang kalibre 22 na baril, naging dahilan din upang rikisahin at makumpiskahan ng iligal na droga ang suspek na si Richard Alejandro, residente ng, Trece Martires, Cavite na nahaharap din sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 4136 (Land Transportation and Traffic Rules).
Sa ulat, nagsasagawa ng ‘Oplan Sita ‘ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 ng Las Piñas City Police sa pangunguna ni Major Salvador Garcia sa P. Diego Cierra Avenue, Barangay Zapote, dakong alas- 4:00 ng madaling araw.
Nang mamataan na walang suot na helmet ang rider na si Crisanto Dayao, 35, ng Bacoor, Cavite at angkas na si Alejandro ay sinita at inisyuhan ng OVR si Dayao.
Sa puntong iyon ay bumunot ng baril ang angkas na si Alejandro kaya siya inaresto at nang kapkapan ay nakuhanan din ng coin purse na may 1.3 gramong shabu na nagkakahalaga ng P8,840.00.
- Latest