Senator Binay pinamamadali sa PNP dagdag na pulis sa Makati
MANILA, Philippines — Umapela si Senator Nancy Binay nitong Biyernes kay Philippine National Police Chief General Rommel Marbil na madaliin ang pagtatalaga ng karagdagang pulis sa lungsod ng Makati upang mas matugunan ang tumataas na bilang ng krimen.
Sa isinagawang deliberasyon para sa 2025 PNP budget, hiniling ni Binay sa mga opisyal ng pulisya na maglaan ng mas maraming tauhan sa itinuturing na financial capital ng bansa dahil sa mga nakaaalarmang ulat sa mga kriminal na aktibidad tulad ng robbery, theft, illegal drugs at iba pang petty crimes.
“As the financial capital of the Philippines, it is important that we maintain peace and order in Makati, where not only locals, but also expatriates, and various other visitors of the many commercial establishments, offices, and embassies frequent the city day and night,” ani Binay.
Ito rin aniya, ang hinaing ng mga residente dahil sa pag-aalala sa mga nagaganap na krimen, kabilang ang pag-aresto sa dalawang suspek na nangholdap sa isang Japanese national sa Salcedo Village, nitong buwan lamang.
Ang Makati ay mayroong 512 personnel na, at daytime population na 4,200,000 at nighttime population na 280,150 kaya lumalabas na ang ratio sa araw ay 1:17,004 habang sa gabi ay 1:1,13.
Inihalimbawa dito ang Makati Police Sub-station 6 nagpapatrulya sa 3 barangay na Bel-Air, Poblacion, at Guadalupe Viejo na nakatalaga lamang ang 33 pulis sa 12-hour shifts.
Ang Bel-air ay kilala sa nightlife scene habang ang Guadalupe Viejo naman ay makapal ang populasyon.
“Baka po pwede ma-augment itong personnel from Makati. Being the financial capital of the Philippines, tapos alam naman po natin kapag mayroon tayong mga VIP guests, usually nagche-check in din sila sa mga 5-star hotel sa Makati,” ani Binay.
- Latest