Ion, pinagdiinan ang pagmamahal kay Vice
Ipinagdiwang ng It’s Showtime host na si Ion Perez ang kanyang ika-34 na kaarawan kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at partner na si Vice Ganda.
Sa Instagram, nag-upload si Ion ng litrato niya kasama si Vice na kuha sa kanyang birthday celebration, pati na rin ang mga snap kasama ang kanyang Showtime family.
“Salamat Ama, naging parti ako ng buhay nila! Mahal na mahal kita,” aniya na alam natin na ang tinutukoy ay si Vice.
Maalalang umatras sa kanyang planong kumandidatong konsehal si Ion.
May haka-haka na baka pinigilan siya ni Vice pero may nabasa ako na itinanggi raw ito ni Vice.
Kapalaran ni Neri Naig, inaabangan na
Kaloka naman ‘yung isyu kay Neri Naig na akala ko talaga ay simpleng babae lang.
Ang yaman pala niya.
Pero ‘yun nga, ngayon ay meron diumano siyang mga kinakaharap na mga kaso.
Hindi ko pa masyadong naiintindihan pero pasasaan ba at lalabas din ang punot dulo ng lahat.
Ba’t kaya ang laki-laki raw ng halagang pinag-uusapan?
Ang liliit pa ng mga anak niya paano na sila kung sakaling hindi nila maayos ang problema?
Ba’t kaya hindi siya magpaliwanag sa kanyang social media account na dati naman niyang ginagawa?
Hay, talagang pagdating sa pera maraming problema.
Basta ako ang isang sigurado, legal lahat ng harbat ko.
Hahahaha.
- Latest