Vintage bomb nakuha sa NAIA, road widening tinigil
MANILA, Philippines — Pansamantalang itinigil ang ginagawang road widening ng New NAIA infrastructure Corporation (NNIC) sa kahabaan nitong MIA road patungong terminal 2. Pasay City matapos na mahukay ang isang vintage bomb.
Nabatid na kinordon ang lugar nang mahukay ng mga construction workers ng malaking vintage bomb na pinangangambahan sumabog oras na nagkamali ng galaw.
Ayon sa mga kinatawan ng EOD wala pa silang nakuhang masasakyan ng vintage bomb dahil delikado ito kung matagtag.
Dadalhin ang vintage bomb sa tanggapan ng EOD headquarters sa likurang bahagi ng park n fly sa Pasay, para pag-aaralan para sa disposal bago dalhin sa tarlac.
Ang vintage bomb na nahukay na gawa ng US ay may haba ng 54 inches at 63 ang pinakabilog nito na ginagamit noong panahon ng world war 2.
- Latest