P11 milyon puslit na food products at ukay-ukay nasabat ng Customs
MANILA, Philippines — Anim na container na naglalaman ng iba’t ibang food products at ukay-ukay ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) - Manila International Container Port (MICP) na tinatayang nagkakahalaga ng P11.34 milyon dahil sa bigong pagdedeklara ng mga ito, kahapon.
Nabatid sa ulat na 5 container ang nadiskubreng may lamang mga pagkain na hindi naman nakadeklara at wala ring Food and Drugs Administration (FDA) permit habang ang isa pang container ay pawang misdeclared used clothing.
Dumating ang nasabing shipment sa bansa sa magkakahiwalay na okasyon na nagmula sa mga bansang Hong Kong, Korea, at Brazil.
Naka-consign ang food products sa JL Twins Enterprises at Great Prosperity Import and Export Enterprises habang ang ukay-ukay ay sa FiveJhoch Enterprises.
Mas pinaigting ang ginagawang pagmonitor ng MICP laban sa mga puslit na pagkain upang maprotektahan ang Filipino consumers laban sa mapanganib na import goods.
- Latest