^

Metro

Desisyon ng Comelec vs Teodoro babala sa mga politico

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala ang grupong Pinoy Aksiyon na dapat nagsilbing babala sa mga politiko ang naging desisyon ng Commission on Election (Comelec) laban sa pagtakbo ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro bilang kongresista ng 1st distrito ng naturang lungsod.

Kinansela ng Comelec ang Certificate of Candidacy (COC) ng alkalde dahil sa “material misrepresentation.”

Ayon sa  grupo,  dapat purihin ang Comelec dahil sa pagbabantay nito laban sa katiwalian sa paghahain ng COC para sa halalan sa 2025.

Isa sa nagsampa ng kaso laban kay Teodoro ay si Sen. Koko Pimentel, na kumakandito rin sa parehong posisyon.

Nabatid na naghain si Teodoro ng COC para unang distrito ng Marikina, pero ang address niya ay sa barangay Tumana na sakop ng distrito 2 ng lungsod.

Sa kanyang depensa, sinabi ni Teodoro na ang original domicile niya ay barangay San Roque ng unang distrito.

“If respondent (Teodoro) intended to abandon his domicile of choice in Brgy. Tumana and established his residence back in his original domicile in Brgy. San Roque, he should not have used the Brgy. Tumana address in these documents,” nakasaad sa resolusyon ng Comelec.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with