^

Metro

Incumbent brgy. chairwoman ang ‘drug queen’ na kasabwat ng ‘ninja cops’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang incumbent na barangay chairwoman ang tinukoy kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Maj. Gen Guillermo Eleazar na siyang ‘drug queen’ na kasabwat ng mga tinaguriang ‘ninja cops’ na nagre-recycle ng ebidensyang shabu.

Hindi naman pina­ngalanan ni ­Eleazar ang naturang barangay chairwoman sa ginanap na pulong sa NCRPO Headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kung saan ipinatawag niya ang mga hepe ng 44 na drug enforcement units sa Metro Manila.

“Ito ang sinasabi na napakadulas na ngayon ay out of the country na sinasabi nila,” ani Eleazar patungkol sa chairwoman. 

Sinabi rin niya na katuwang sa operasyon ng ‘drug queen’ ang mister na dati ring barangay chairman.

Ang naturang mag-asawa umano ang bumibili ng kumpiskadong iligal na droga mula sa mga ‘ninja cops’ para muling ipakalat sa mga kalsada sa pamamagitan ng network nilang mga ‘tulak’.

Aabot sa 16 na pulis ang natukoy ng NCRPO na mga ‘ninja cops’. Sa naturang bilang, siyam na ang nasasawi sa mga operasyon, da­lawa ang retirado na, dalawa ang nadismis sa serbisyo, dalawa ang nag-AWOL at isa ang nakakulong.

Pinakamataas na ranggo ang isang P/Major, isang Kapitan, isang Tinyente, apat na sarhento, tatlong Corporal at mga Patrolman.

Ang anim na pulis na nakatala na buhay pa ay isasailalim ngayon sa case build-up operations.

Posible naman na tuluyang nagtago na sa ibang bansa ang natu­rang ‘drug queen’ bago pa man ang pagdinig sa Senado kung saan ibinulgar ni Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Gene­ral Aaron Aquino ang presensya ng ninja cops.

 

CHAIRWOMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with