^

Metro

Tsino bugbog-sarado sa 2 dayuhan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Dahil na naman sa utang

MANILA, Philippines — Kalaboso sa Pasay City Police Detention Center ang isang Malaysian at isang Chinese national na kapwa opisyal ng isang exclusive shopping supermarket nang halos mapatay sa gulpi ang isa pang Tsino, kamakalawa ng umaga sa Pasay City.

Nakilala ang mga ina­resto na sina Yap Sin EE, 33, supervisor sa isang sikat na supermarket at Wei Huang, 37, manager at kap­wa nanunuluyan sa Brgy. Tambo, Paranaque City.

Nakaratay ngayon sa pagamutan ang biktimang si Xiaobing Zhu, 29, turista, na umuupa naman sa Legas­pi Tower, sa Maynila.

Sa ulat ng Pasay City Police, alas-7:10 ng umaga nang may humingi ng saklolo sa nagpapatrulyang pulis ukol sa nagaganap na pambubugbog sa isang lalaki sa may compound ng Hong Kong Sun Plaza sa may Roxas Boulevard, ng naturang lungsod.

Nang rumesponde, inabu­tan ng mga pulis ang mga suspek na pinagtutulungan ang biktima na halos gulay na at hindi na makatayo dahil sa inabot na gulpi. Dito inaresto ng mga pulis ang dalawang suspek.

Nang isailalim sa imbestigasyon, nabatid na tungkol muli sa utang ang dahilan ng pambubugbog dahil sa may nahiram na P200,000 umano si Xiaobing sa mga suspek na ayaw niyang bayaran.

 

DAYUHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with