^

Metro

Pinakamalaking #BakeryFair2019 gaganapin sa World Trade Center

Pilipino Star Ngayon
Pinakamalaking #BakeryFair2019 gaganapin sa World Trade Center

MANILA, Philippines — Nais mo bang malasahan at ma-enjoy ang sari-saring uri ng tinapay, cake, minatamis, biskwit, cookie at pagkain? Gusto mo bang makita ang mga modernong kagamitan, matuto ng recipes at pinakausong paraan ng baking o pagluluto sa hurno?

Kung oo ang iyong sagot, dumalo sa “Bakery Fair 2019” na gaganapin mula Pebrero 15 hanggang 17 sa World Trade Center, Pasay City.

Ang #BakeryFair2019 ang pinakamalaking expo ng industriya ng baking sa Pilipinas. Ginagawa isang beses kada dalawang taon, ang non-profit at kawanggawang proyekto ay handog ng Filipino-Chinese Bakery Association Inc. (FCBAI).

Ang FCBAI ay pinangungunahan ni Peter Fung, may-ari ng Ling Nam Noodle House, bilang presidente at ni William Ong, may-ari ng Bakers Fair, bilang executive vice president .

“Umaasa kami sa FCBAI na ang Bakery Fair ay maaaring magtaguyod, magpalakas at magtaas din ng mga pamantayan sa industriya ng panaderya ng Pilipinas, at upang makatulong din sa pagpapaunlad ng ekonomiya,” sabi ni Fung.

Mga huwarang panadero

Tulad ng kanilang mga kahalili sa baking o pagluluto sa hurno, nagsisilbing huwaran sa mga taga-FCBAI ang mga sinaunang panaderong Tsino na pinanatiling abot-kaya ang mga presyo't matulungin sa kapwa.

Kamakailan, isinulat ng historian na si Ambeth R. Ocampo ang tungkol sa unang Katolikong obispo ng Maynila na si Domingo de Salazar. Kasama rito ang ang ulat kaugnay sa minoryang Tsino sa Maynila noong 1590.

Bukod sa mga impormasyon sa iba't ibang mga negosyo at propesyon ng mga Tsino, sinulat din ni Bishop Salazar ang tungkol sa importanteng mga sinaunang panaderong Tsino:

"Maraming mga panaderong gumagawa ng tinapay mula sa trigo at mainam na harina na dala nila mula sa Tsina, at ibinebenta ito sa pamilihan at sa mga lansangan. Nakikinabang ang lungsod, sapagkat gumagawa sila nang maayos na tinapay at ibinebenta ito sa mababang halaga at kahit na ang lugar na ito ay nagtataglay ng maraming bigas, marami na ngayon ang kumakain ng tinapay..."

“Lubos silang napakadaling kausap at matulungin na kapag wala kang pera na pambayad para sa tinapay, nagbibigay sila ng pautang at inililista na lamang..."

“Ito ay isang malaking tulong para sa mahihirap na mga tao ng lungsod, sapagkat kung walang ganitong kanlungan ay magdurusa sila. "

Ang FCBAI ay isang non-stock, non-profit organization na karamihan ng mga kasapi ay SMEs na panaderyang pag-aari ng mga negosyanteng Filipino-Chinese. Ang FCBAI ay may ideyalismo at malasakit sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Kabilang sa mga layunin nito ay ang pagtataguyod ng mas mahusay na mga pamantayan sa baking, mga proyektong pang-edukasyon at kawanggawa.

Ang FCBAI ay bahagi rin ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce & Industry Inc.

Para sa mga detalye, tingnan ang FCBAI Facebook account sa fb.com/fcbai.ph o sa kanilang mga websitewww.fcbai.com.ph at www.bakeryfair.com.ph.

BAKERY FAIR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with