^

Metro

ASEAN Music Festival, pinahinto

Lordeth Bonilla at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
ASEAN Music Festival, pinahinto

Ayon sa report na natanggap ng hepe ng Makati City Police na si Senior Supt. Jerry Umayao,  naganap ang insidente  alas-7:30 ng gabi sa Ayala Triangle Gardens, BDC ng naturang lungsod habang nagko-concert ang  bandang ‘Parokya ni Edgar’, dito na nagsigawan ang mga nanonood  at hindi pa nakuntento ay nagtulakan pa ang mga ito  upang makalapit patungo sa stage. Photo courtesy of Leann Magimot

MANILA, Philippines — Hinimatay at nahilo ang  may 40 katao matapos magkatulakan sa concert ng isang banda na inorganisa ng ASEAN Music Festival, kamakalawa ng gabi sa Business District Center (BDC), sa  Makati City.

Ayon sa report na natanggap ng hepe ng Makati City Police na si Senior Supt. Jerry Umayao,  naganap ang insidente  alas-7:30 ng gabi sa Ayala Triangle Gardens, BDC ng naturang lungsod habang nagko-concert ang  bandang ‘Parokya ni Edgar’, dito na nagsigawan ang mga nanonood  at hindi pa nakuntento ay nagtulakan pa ang mga ito  upang makalapit patungo sa stage.

Sa kabila ng mariing pakiusap ng music fest orga­nizers sa mga manonood na huwag magtulakan at ayusin ang pila para magpatuloy ang concert ngunit,  hindi  na ito nakontrol dahil sa dami ng mga nanonood.

Ang pagsisiksikan at tulakan ang naging sanhi nang pagkahilo  ng marami at ang ilan pa ang nasugatan.

Kaagad namang binigyan ng first aid ng mga nakaantabay na medic  ng Department of Health (DOH) ang mga hinimatay at nahilong mga  biktima, na nasa mabuti ng kondisyon, kung kaya’t hindi na kinailangang dalhin ang mga ito sa ospital.

Sa estimate crowd ni Umayao, tinatayang nasa  15,000  katao ang nanonood ng naturang konsiyerto na inorganisa ng ASEAN Music Festival.

Napag-alaman na pasado alas-9:00 ng gabi nang magdesisyon ang mga organizers na kanselahin ang nasabing konsiyerto.

Sa inisyung statement ng organizers, humihingi sila ng paumanhin  hinggil sa  pagkansela ng naturang event para na  rin aniya sa kapakanan at kaligtasan ng mga manonood.

Napag-alaman na ang naturang konsiyerto ng ASEAN Music Festival ay pinamahalaan ng National Commission for Culture and the Arts.

Dahil sa event, isinara ang bahagi ng Ayala Ave­nue mula Paseo de Roxas hanggang Makati Avenue, na nagdulot  ng masikip na daloy ng trapiko sa mga motorista.

Sabi pa ni Umayao, sa ngayon aniya ay wala namang nagrereklamo pa sa naturang insidente.

Pinaiimbestigahan naman ni NCRPO Director Oscar Albayalde ang sinasabing overcrowding sa naturang music festival.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with