^

Metro

Quezon City government mamimili na ng dumpsite

Doris Franche-Borja at Angie Dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na nga­yon ng Quezon City go-vernment ang pagpili ng dumpsite sa pagitan ng Rodriguez sa Rizal o sa  Vitas, Tondo para sa mga basurang hinahakot ng lungsod.

Ayon kay QC Mayor Herbert Bautista, inatasan na niya ang Environmental Protection and Waste Management Department na makipag- ugnayan   hinggil sa regulasyon at batayan sa pagtatapon ng basura galing sa lungsod.

Sinabi ni Bautista na inatasan niya ang EPWMD na pag- aralan kung alin sa dalawang dumpsite ang  cost efficient  lalo pa’t mas malaking budget ang kailangan sa sanda-ling malipat na ang disposal facility. 

Sa ngayon, itinala­ga ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Rodriguez Provincial Sanitary Landfill at Vitas Marine Loading Station bilang mga alternatibong dumpsites  ng Quezon City. 

Samantala, sinabi naman ni EPWMD head Frederika Rentoy maha-laga na muling mabuksan ang Payatas dumpsite upang maayos ang mga nakabinbing dokumento, bagong patakaran sa garbage disposal at collection.

Kabilang na aniya sa paghahanda ay ang budget deliberation. 

Batay sa EPWMD re­­cord, gumagastos ng P780 million kada taon ang city gov’t  sa hauling services sa Payatas.

Samantala, long over­due na umano at so­brang tagal na panahon na dapat naipasara ang Payatas dumpsite sa Quezon City.

Ito ang sinabi ni Joy Papa, pangulo ng environ­mentalist group na Ba-ngon Kalikasan Movement hinggil sa planong pagpapasara ng pamahalaan sa naturang tamba­kan sa  December 2017.

Ayon sa kanya hindi dapat gamitin ng QC go-vernment na dahilan para di agad maipasara ang dumpsite  na may ipinatatayong waste-to-energy incineration plant upang masunog ang may 2,700 tonelada ng basura ng lunsod kada araw.

“It’s time barangay-based ESWM should be fully implemented by all local government units, as mandated by R.A. 9003,we have proof this can be done.  At the same time, the closed dumpsite should be rehabilitated.” Pahayag ni Papa.

Sa ilalim ng Section 37 of Republic Act 9003, o ang Ecological Solid

Waste Management Act of 2000,  ang mga open dumpsites ay dapat naipasara noong 2004 at ang mga controlled dumpsites ay sarado na dapat noong  2006.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with