^

Metro

200 rescue personnel, inalerto ng MMDA

Pilipino Star Ngayon
200 rescue personnel, inalerto ng MMDA

Umalerto ang mga tauhan ng Phil. Coast Guard (PCG) katabi ang kanilang mga rubber boats na nakatakdang ideploy anumang oras sa CAMANAVA area dahil sa mga pag-ulan kaugnay sa pananalasa ng bagyong Nina. Edd Gumban

MANILA, Philippines - Nasa 200 rescue per-sonnel ang itinalaga ng Me­tro­politan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) para rumisponde sa mga emergency cases kaugnay pananalasa ng bagyong Nina.

Kasabay naman nito, inatasan ng ahensiya ang mga advertisers na tupiin at ibaba muna ang kanilang mga billboards para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Ayon sa MMDA, itinala­ga muna nila sa rescue operation ang iba nilang traffic enforcers at ang mga ito ay nakaantabay lamang at handang rumisponde sa anumang mga emergency cases dulot ng bagyo..

Bukod sa pagtatalaga ng mga rescue personnel, naglagay din ang MMDA ng 5 military trucks, 8 ambulansiya, 12 rubber boats para sa mga lugar na flood-prone.

Binuksan din ng MMDA ang 6 floodgates sa Manggahan, para maging daluyan ng tubig at maiwasan ang pagtaas ng tubig baha.

Mariing inatasan din ng MMDA ang mga outdoor ad­vertisers na tupiin at ibaba ang kanilang mga billboards upang hindi makapinsala sa publiko.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with