^

Metro

Kelot dedo sa anti-drug ops

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraan uma­nong manlaban sa mga operatiba ng Que­zon City Police sa isang anti-drug ope­ration sa Brgy. Old Balara sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat kay QCPD Director P/Se­nior Supt. Guillermo Eleazar, kinilala ang nasawi na si Ariel Tabucuran,  alyas Rodel, 22, na umano’y isa sa drug personality ng nasabing brgy.

Ayon sa ulat ng Police Station-6, nangyari ang insidente sa may Area 6, Luzon Avenue, Brgy. Old Balara QC, dakong alas 3 ng madaling araw.

Bago ito, nakatanggap umano ng ulat ang Police Station-6 kaugnay sa umano’y nagaganap na pot session sa bahay ng isang alyas Bong at alyas Ate Lola sa nasabing lugar.

Agad na rumisponde ang mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Ope­ration Task Group (SAID-SOTG) sa lugar para alamin ang katotohanan ng nasabing impormasyon.

Subalit, pagsapit sa naturang lugar ay nakatunog umano si Bong at nagtatakbo papasok sa kanyang bahay. Hinabol naman ito ng mga operatiba at sinalubong na sila ni Rodel ng putok.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga operatiba sanhi ng kamatayan nito.

Nakatakas naman si Bong, habang nasa 34 katao na naabutan sa lugar ang dinampot ng mga operatiba para sa pagsisiyasat.

Narekober sa lugar ang isang kalibre.45 pistola, mga drug paraphernalia at shabu.

ANTI DRUG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with