^

Metro

Chinese tiklo sa P45-M drug bust

Doris Borja, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa P45 mil­yong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng National Ca­pital Region–Criminal Investigation and Detection Group (NCR-CIDG) kasunod sa pagkakaaresto sa isang Chinese na pinaniniwalaang big time drug trafficker sa operas­yong isinagawa sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi.

Sa report ni NCR–CIDG Chief P/Senior  Supt. Ronald Lee, kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Victor Deona ang nasakoteng suspect na si Norman Hung Wang.

Bandang alas-11:20 ng gabi nitong Martes ng magsagawa ng anti-illegal drug operations ang mga ele­mento ng CIDG–NCR sa ha­rapan ng Harrizon Plaza, Adriatico St., Brgy. 720,  Zone 78, Malate  sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Deona si Wang ay nasakote  sa aktong tinatanggap ang marked money mula sa poseur buyer ng mga tauhan ng CIDG –NCR sa pakikipag-koordinasyon sa MPD operatives kapalit ng isang kilo ng shabu sa loob ng sasakyan ng suspect.

Nasamsam pa mula kay Wang ang siyam na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P45 milyon, isang kulay kayumangging envelope, travel bag na naglalaman ng droga na nakatago sa behikulo nito; P 800,000 pekeng pera kabilang ang marked money, sari-sa­ring mga iden­tification cards at ang kulay abong Toyota Altis na gamit nito sa illegal na transaksyon sa pagbebenta ng droga.

Inihayag ni Deona na ang operasyon ay alinsunod sa pinalakas na anti-drug campaign ng PNP.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dange­rous Drugs Act ang nasakoteng Intsik na kasalukuyan nang nakapiit at patuloy na iniimbestigahan sa illegal nitong pagtutulak ng droga.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with