SSS office sinugod ng pensioners
MANILA, Philippines – Sinugod kahapon ang tanggapan ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Quezon City ng mga pensioners, senior citizens, maging ng kanilang mga kaanak at iba pang sector ng komunidad bilang protesta sa ginawang pagbasura ni Pangulong Noynoy Aquino sa P2,000 taas sa pension.
Ang protesta na pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno ay sabayang isinagawa din sa mga tanggapan ng SSS sa Baguio, Calamba, Legaspi, Iloilo, Kalibo, Cebu, Cagayan de Oro, General Santos at Davao City.
Anila, hindi titigil ang mga protesters sa kanilang pagkilos hanggang walang aksiyon na ginagawa ang pamahalaan sa kanilang demands.
“Kalampagin ang SSS,” “Pensyon sa SSS, dagdagan, dagdagan! Across-the-board, two thousand!” na isinasagawa ng mga protesters kahapon sa SSS main office sa QC
“No amount of silence from Aquino and no amount of lies from his publicists would stop the clamor for a P2,000 pension hike. Those in favor of the pension hike are getting angrier and eager to join protests and other activities to speak out,” pahayag ni Roger Soluta, KMU vice-chairperson.
Kaugnay nito, nanawagan ang KMU sa lahat ng pensioners at mga manggagawang Pilipino na makiisa sa kanila sa gagawing pagkilos bukas (January 30) sa QC Memorial Circle na may temang “Sama-Samang Sigaw” para sa malawakang paggiit sa pensyon hike.
- Latest