Jeepney drivers nagkilos protesta sa LTFRB kontra phase out
MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos protesta ngayong Lunes ang ilang jeepney drivers at operators sa punong tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang ihayag ang kanilang pagkontra sa planong pag-phase out ng mga lumang jeep.
Pinangunahan ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang kilos protesta na nagsimula sa Elliptical Road, Quezon City hanggang sa tanggapan ng LTO.
Itutuloy ng mga jeepney drivers at operators ang kanilang protesta sa tanggapan ng Department of Transportation and Communications sa Ortigas, Pasig.
Sinabi ni PISTON President George San Mateo na daang-libong tsuper ang mawawalan ng trabaho kapag ipinatupad na ito.
Layunin ng pag-phase out ng mga lumang jeep na mapaluwag ang kalsada. Bahagi ito ng modernization program ng gobyerno ngunit nilinaw nina Transport Secretary Joseph Emilio Abaya at LTFRB Chair Winston Ginez na hindi pa naman ito pinal.
- Latest