^

Metro

2 kawani ng BuCor, 2 sibilyan timbog sa droga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat katao kabilang ang dalawang babae na  umano’y kawani ng gob­yerno ang nadakip ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Illegal Drugs Division (NBI-AIDD) sa magkakahiwalay na ope­rasyon sa Pasay City, Las Piñas at Muntinlupa City, nitong nakalipas na Dis-yembre 21, 22 at 23.

Ayon sa  source, ang na­sabing follow-up operations ay kaugnay pa rin ng pagkamatay ng tatlo sa 5 suspek na pakay sa drug operation na isinagawa ng grupo ng NBI-AIDD sa isang mall sa Pasay City, kung saan nakuha ang may  kalahating kilo ng shabu at mga bala ng kalibre .45.

Ikinasa ang follow-up operation kung saan nada­kip  sa may  Macapagal Boule­vard, sa Pasay City ang isang babae na nasamsaman ng may 3 kilo ng shabu. Nakuha rin dito ang mga contact number, panga­lan at lugar ng iba pang pagbabagsakan ng droga.

Dahil sa hawak na mga impormasyon, Disyembre 22 ay tinungo naman ng operatiba ang isang sa Las Piñas kung saan naaresto sa entrapment ang isang lalaking nasa 20 hanggang 25 din na bumili ng isang kilo ng shabu.

Dalawa pang suki diu­mano ang kasunod na na-entrap sa Katarungan Village, sa Muntinlupa City na sinasabing kapwa babae na empleyado umano ng Bureau of Corrections (BuCor) na nagbunyag na sila ay mga inutusan lamang ng kanilang ‘amo’ sa pagbili ng droga.

Ang apat ay nakatakdang sampahan ng NBI ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002 o RA 9165 .

Sinabi ng source na hin­di muna ibinubunyag sa media ang pagkilanlan ng mga suspek upang hindi umano masunog  ang kanilang operasyon na patuloy pang isinasagawa sa kabila ng Kapaskuhan.

ACIRC

ANG

ATILDE

BUREAU OF CORRECTIONS

COMPREHENSIVE DANGE

DRUGS ACT

DRUGS DIVISION

LAS PI

MUNTINLUPA CITY

PASAY CITY

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with