^

Metro

Personal na relasyon, sinisilip sa pagpatay sa ina ni Pastillas girl

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumalabas ngayon sa imbestigasyon ng Caloocan City Police na personal na relasyon ang motibo sa pamamaslang sa ina ni Pastillas girl ng nag-iisang gunman sa Caloocan City.

Sinabi ni Caloocan Police Chief, Sr. Supt. Bartolome Bus­tamante na base sa inisyal nilang pagtatanong, tinanggal na nila ang anggulo sa politika at negosyo sa pamamaslang sa 43-anyos na si Maria Teresa Santos Hernandez, barangay kagawad, at ina ni Pastillas Girl Angelica Hernandez Yap.

Kinumpirma nito na may nobyo ang biktima makara­ang makipaghiwalay sa ma­ta­gal na panahon sa orihinal na asawa. Ngunit itinanggi ng opisyal ang napaulat na posibleng may pinagsabay na karelasyon ang biktima.

“I don’t think naman na nagsabay-sabay. Siguro one at a time naman. Baka hard loser itong isa hindi matanggap,” ani Bustamante.

Nakipag-usap na rin uma­no si Angelica sa mga opisyal ng Caloocan Police ngunit wala pang matibay na mga impormasyon na magdidiin sa posibleng suspek.

Umaasa naman si Bustamante na sa kanila iti-turn-over ni Angelica ang cellular phone ng ina dahil sa importante ang mga mensaheng nilalaman nito makaraang mapaulat na matagal nang nakakatanggap ang nasawi ng mga death threats.

Bukas naman umano ang Caloocan City Police sa pagsasagawa ng parallel investigation ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang lumapit na rin umano dito ang pamilya ng biktima.

Nakatakda namang mag­labas ng artist sketch ang pulisya sa hitsura ng nag-iisang gunman na bumaril sa biktima. Sa ulat, kumakain sa isang puwesto ng ihaw-ihaw ang biktima dakong alas-9:20 ng gabi sa kanto ng Tagaytay at Cabatuan Street sa Brgy. 131 nang barilin ng gunman sa ulo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARTOLOME BUS

BUSTAMANTE

CABATUAN STREET

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE

CALOOCAN POLICE CHIEF

MARIA TERESA SANTOS HERNANDEZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with