^

Metro

Isko pinatatakbong alkalde ng Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang araw bago ang pagsisimula ng filing ng candidacy ay nagpahayag ng suporta at panghihikayat ang majority ng mga konsehal ng Maynila kay Manila Vice Mayor Isko Moreno na tumakbo sa pagka-alkalde ng lungsod.

Nabatid na nagpulong sa Manila Hotel ang mga incumbent councilors na kaalyado pa mismo ni Manila Mayor Joseph Estrada upang suportahan si Moreno na tumakbo sa pagka-alkalde dahil hindi nila suportado ang plano ng dating pangulo na kumandidato para sa ikalawang termino sa Maynila. Anila, hindi tumupad si Estrada sa pangako nito na ‘last hurrah’ na niya ang kanyang pagkapanalo bilang alkalde noong 2013.

Dahil dito posibleng magiging gitgitan ang mayoralty race sa Maynila lalu pa’t sina Estrada at Moreno ay tumakbong magkatambal nuong 2013 Elections.

Ayon sa mga konsehal, umaasa sila na tutuparin ni Estrada ang kanyang pangako nang siya ay kumandidato noong 2013 na siya ay magsisilbi lamang sa loob ng isang termino bilang alkalde.

Nang matapos ang pagpupulong, sumugod naman sa compound ng Manila Hotel ang mga pinuno ng mga komunidad sa Maynila o mga lider-ng Asenso Manileno at isinigaw ang mga katagang: Isko for Mayor!

Si Moreno ay nasa huling termino na ng kanyang panunungkulan bilang bise alkalde na kanyang hinawakan sa loob ng tatlong magkakasunod na termino. Bilang tugon, sinabi ni Moreno na kanyang pag-aaralang mabuti ang kanyang magiging pasya dahil ayaw naman niyang magkaroon ng pagkawatak-watak sa lungsod.

 

ANG

ANILA

ASENSO MANILENO

MANILA HOTEL

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

MGA

MORENO

NBSP

SI MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with