^

Metro

Naburyong dahil ’di makita ang daan, Stewardess tinangkang tubuhin ng driver ng Uber taxi

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinakakansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang drivers license at provisional authority (PA) ng driver ng isang Uber taxi na nagtangkang saktan ang pasahero niyang stewardess nang maburyong sa paghahanap sa pupuntahang lugar ng biktima.

Ito ay makaraang ireklamo ng biktimang si Christine Fulgencio, isang Delta Flight Stewardess ang Uber taxi driver na si  Niccolo Cuyugan Lizaso, ng Brgy. Veterans Village, Quezon City.

Sa reklamo ni Fulgencio kay LTFRB boardmember Ariel Inton, sinabi nitong mula Valle Verde 2 sa Pasig City sa kan­yang bahay ay sumakay siya sa Uber taxi ni Lizaso na may plakang YP-7587 papuntang Valle Verde 6 para sa kanyang fitness training pero habang nasa daan naburyong ang naturang driver nang malito sa lugar na pupuntahan ng biktima.

Bagamat sila anya ay nasa Valle Verde 6 na ay inihinto ni Lizaso ang sasakyan at bumaba ito saka pinagmumura si Fulgencio. Bukod sa pagmumura ay inilabas ng driver ang bakal na tubo mula sa sasakyan nito at akmang ihahampas  sa biktima.

Doo’y nagsabi ang biktima sa driver na  huminahon ito habang nakataas anya ang kanyang mga kamay pero ang itinugon nito ay panlilisik ng mga mata habang  pinagmumura pa siya sa harap ng  maraming tao .

Nang akmang hihingi ng tulong si Fulgencio ay agad na umalis ang driver sabay paharurot sa minamanehong taxi.

Binigyang diin ni Inton na bunga nito, ipatatawag nila at isasalang sa pagdinig ng LTFRB ang naturang driver para magpaliwanag.

“Sa pagsasalang namin sa board sa driver ay aalamin natin kung may provisional authority siya para mag-operate ng Uber taxi at kung wala, patung -patong na kaso ang kakaharapin niya”, paliwanag ni Inton.

Diniin nito na hindi na dapat bigyan pa ng pagkakataon na mamasada ang suspek at dapat tanggalan ng drivers license dahil baka makapanakit pa ito sa mga susunod na pagkakataon.

vuukle comment

ANG

ARIEL INTON

CHRISTINE FULGENCIO

DELTA FLIGHT STEWARDESS

DRIVER

FULGENCIO

INTON

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LIZASO

UBER

VALLE VERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with