^

Metro

7 mamahaling sasakyan, nagliyab

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pitong mamahaling sasak­yan ang nasunog makaraang sumalpok ang isa sa mga ito na minamaneho ng isang Chinese National sanhi upang tuluyang mada­may ang iba pa sa pag-apoy habang nakaparada sa harap ng isang gusali sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay P/Chief Insp. Manolo Refugia, hepe ng Quezon City Police Station 4, ang mga nasunog na sasakyan ay kinabibilangan ng Toyota Fortuner Wagon (ASA-6456); Mitsubishi Outlander Wagon (ZNB-567); Honda Sedan (ZEN-649), habang bahagyang nilamon ng apoy ang mga sasakyang Kia Sorento Wagon na may conduction sticker no. EF-8766; Honda Civic VTI Sedan (WFD-501); Toyota Innova wagon (ZAN-911); at Mitsubishi Montero Wagon na may conduction sticker na EOI-09.

Sabi ni Refugia, nag-ugat ang nasabing insidente maka­raang sumalpok ang Toyota Fortuner Wagon na minama­neho ng isang Charles Vin­cent Chua, 36, binata ng no. 75 Believue Plaza, Quezon Avenue, Barangay Sto. Domingo sa lungsod.

Siya ay masuwerteng nailabas mula sa naglagablab niyang sasakyan matapos saklolohan at gisingin ng mga rumespondeng barangay tanod sa lugar, ayon pa sa ulat.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Don A. Roces Avenue, harap ng Sofia Tower Building, malapit sa kanto ng Scout Tobias, Brgy. Laging Handa sa lungsod, ganap na alas 2:48 ng ma­daling-araw.

Sinasabing minamaneho ni Chua ang kanyang Toyota Fortuner at tinatahak ang Don A. Roces Avenue galing mula sa direksyon ng Tomas Morato Ave­nue patungong Scout Reyes St., nang pagsapit sa nasabing lugar ay biglang nagloko ito hanggang sa sumalpok sa Mitsubishi Outlander Wagon na nakaparada sa parking area ng naturang gusali.

Dahil sa lakas ng impact, sumadsad patagilid ang wagon at tumama sa Honda Civic na nakatabi nito. Matapos nito, biglang umapoy ang Fortuner ng biktima hanggang sa saklo­lohan siya ng ilang rumispondeng barangay para mailabas.

Sa paglabas ng biktima ay tuluyan nang naliyab ang kanyang sasakyan hanggang sa madamay na rin ang mga sasakyang nakaparada sa nasabing parking lot.

Agad namang rumisponde ang mga kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lugar at inapula ang mga nagliyab na sasakyan.

Ang resulta, ayon pa kay Refugia, tatlo sa mga sasak­yan ang nagtamo ng matinding pinsala habang ang apat sasakyan naman ay bahagyang napinsala ng sunog.

Sa kasalukuyan, dagdag ni Refugia, ang driver na si Chua ay nakapiit sa kanilang tanggapan habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in damage to property laban sa kanya. Bukod dito, kakaharapin din nito ang iba pang kasong isasampa ng mga may-ari ng mga nasirang sasakyan.

ACIRC

ANG

CHUA

DON A

HONDA CIVIC

MGA

MITSUBISHI OUTLANDER WAGON

ROCES AVENUE

SHY

TOYOTA FORTUNER WAGON

WAGON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with