Lalaki nag-suicide dahil sa sakit
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nagpatiwakal ang isang lalaki na sinasabing may tuberculosis makaraang matagpuan ang bangkay nito na may hiwa sa magkabilang pulso sa loob ng palikuran ng pinapasukan nitong kumpanya sa Malabon City kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Teddy D. Silam, tauhan ng car naval at naninirahan sa #39 Upper Brookside, Baguio City.
Sa ulat ng Malabon City PNP, natagpuan ang bangkay ni Silam sa loob ng isa sa mga cubicle ng palikuran ng kanilang kumpanya sa Macanas St., Brgy. Panghulo sa naturang lungsod.
Kaagad na iniulat ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima sa mga opisyal ng barangay at pulisya.
Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nadiskubre na may sugat sa magkabilang pulso ang biktima na posibleng ang biktima ang may gawa.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya sa mga katrabaho ng biktima, nabatid na may tuberkulosis ito kaya nilalayuan siya ng mga kasamahan.
Ikinasama rin ng loob ng biktima ang pagbubukod sa kanya sa pagkain at iba pang aktibidad.
Huling namataang buhay ang biktima nang magpaalam ito sa mga kasamahan sa trabaho at sinabing magtatapos na ang kanyang buhay. (Danilo Garcia)
- Latest