^

Metro

Coed inutas ng lover; suspect naglaslas ng leeg

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 19- anyos na coed matapos tadtarin ng saksak  ng  karelasyong  may-asawa na kritikal din ang buhay  matapos maglaslas ng leeg sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Isinugod sa University of the East Ramon Magsaysay Medical Center (UERMMC ) ang biktimang si Jackie Bugay,   ng Sta. Mesa, Maynila  subalit binawian ng buhay  bunga ng maraming saksak na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nilalapatan pa ng lunas sa nasabi ring pa­gamutan ang suspek na lihim umanong karelasyon ni Bugay, na kinilalang si Joseph Espiritu, 32, may-asawa, call center agent, ng San Pablo City, Laguna.

Sa ulat ni SPO1 Chistian Caparas ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:00 ng umaga nang matuklasan ang krimen sa condominium na tinitirhan ng biktima sa Sta. Mesa.

Nabatid na ang kasambahay na si Recil Ramos ang nakadiskubre ng krimen.

Sa kaniyang salaysay, namalengke umano siya bandang alas-5:00 ng madaling araw at iniwan pa na magkatabing matulog sa sala ng condo ang biktima at suspect.

Pagbalik niya ay narinig ang pagsigaw ng biktima, na tila sinasaktan. Tinangka niyang pumasok subalit naka-lock ang pinto kaya napilitan siyang humingi ng tulong sa sekyu sa condominium na si Espino Reyes para mabuksan ito.

Nahirapang pasukin ang condo unit ng biktima kaya nagdaan pa sa likurang pintuan at doon nakitang duguan si Bugay na katabi pa ang menor de edad na kapatid.

Kapwa isinugod sa nasabing pagamutan subalit minalas na bawian agad ng buhay si Bugay.

Sa impormasyon ng mga awtoridad, nais umanong kumalas ng babae sa ka­relasyong si Espiritu dahil sa nakatakdang pangingibang bansa nito makaraang ma­aprubahan ang petisyon ng ina.

 

vuukle comment

BUGAY

CHISTIAN CAPARAS

ESPINO REYES

JACKIE BUGAY

JOSEPH ESPIRITU

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RECIL RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with