Konsehal, pabor sa rehabilitasyon ng mga cultural heritage
MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni Manila 3rd District Councilor John Marvin “Yul Servo” Nieto na pabor siya sa restoration at rehabilitasyon ng mga historical structures sa lungsod.
Sa panayam kay Nieto na Chairman ng Committee on Arts and Culture, sinabi nito na maraming historical building at cultural heritage sa Maynila na nangangailangan ng pagsasaayos ng city government.
Gayunman, nangangailangan pa rin ng sapat na pondo ang city government upang maisakatuparan ito.
Nakapanghihinayang umanong gibain ang structures na may historical values dahil maaari pa ring itong magamit sa pag-aaral.
Bagama’t hindi umano siya tutol sa pag-unlad kailangan pa ring pag-aralan at suriin mabuti kung ang mga gusali ay dapat nang gibain o hindi.
Aniya, ang lahat ng lungsod ay nangangailangan ng pagbabago at pag-unlad subalit kailangan pa rin na hindi masasakripisyo ang bahagi ng kaysaysan.
Sakali umanong may panganib ang mga condemned building at structure maaari itong suriin ng mga kinauukulan partikular ng city building official.
Ang paggiba sa mga cultural heritage ay ibabatay sa rekomendasyon ng mga eksperto.
Ilan sa mga historical structures sa lungsod na ginigiba ang kinukuwestiyon ng ilang sector.
- Latest