^

Metro

Kelot itinumba, dahil sa droga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 32-anyos na lalaki na pinaniniwalaang itinumba kaugnay sa iligal na droga sa  Parola Compound sa Tondo, Maynila, kahapon ng  umaga.

Kinilala ang biktimang si Jojo Pradas, residente ng Damayan Lagi, E. Rodriguez,  Quezon City.

Hindi pa tukoy ng mga awtoridad ang suspek sa krimen.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng umaga, nang maganap ang krimen sa Area-H,  Gate 64 Parola Com­pound,Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, habang naglalakad ang biktima ay hinatak umano ang kuwintas na suot nito at saka mala­pitang binaril sa ulo na lumabas sa noo ng hindi kilalang suspect.

Kahit bumulagta na ito sa kalye ay muli pa itong pinaputukan sa ulo at likod ng katawan bago tuluyang tumakas ang salarin.

Sa nakalap na impormasyon ng imbestigador, ang biktima ay madalas na dumayo sa lugar at tumutuloy pansamantala sa isang alyas “Jocelyn” ng dalawa hanggang 3 araw.

May impormasyon din umano na may na­dispalko o hindi nai-remit na pera para sa shabu ang biktima.

Posibleng sa galit ng ilang malalaking tulak sa lugar ay inabangan ang pagbabalik ng biktima upang ito ay patayin.

Gayunman, patuloy pa ring iniimbestiga­han ang insidente.

 

AREA-H

DAMAYAN LAGI

JOJO PRADAS

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PAROLA COM

PAROLA COMPOUND

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with