^

Metro

Tricycle, pedicab ‘off limits’ sa 46 kalye sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipagbabawal na sa mga susunod na araw ang pagbibiyahe ng mga tricycle at pedicab sa 46 kalye sa  lungsod ng Maynila.

Ito naman ang binigyan diin ni  Manila Mayor Joseph Estrada kasabay ng  pakikipagpulong nito sa mga tricycle operators kasama si Vice Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Estrada, sa ilalim ng  bagong regulasyon bawal nang dumaan ang mga tricycle at pedicab  alinsunod na rin sa ginagawang pagsasa-ayos ng  daloy ng trapiko sa lungsod.

Paliwanag naman ni  Moreno,  kaunti lamang ito  sa mahigit na 1,000  kalsada na maaaring daanan ng  mga tricycle at pedicab. Aniya, maaari namang tumawid ang mga ito.

“Bawal siyang dumaan pero puwedeng tumawid, mabibilis ang mga sasakyan sa 46 kalyeng ito kaya iniisip namin ang kaligtasan ng driver at pasahero,” ani Moreno.

Sa nasabing pagpupulong, kailangan na iparehistro ang mga tricycle at pedicab sa Manila Tricycle Regulatory Office na nasa ilalim ng pamamahala ni  MTPB ni  Carter Don Logica.

Kabilang sa mga bawal daanan ay ang  Roxas Blvd.; Pablo Ocampo (mula Taft  Ave. hanggang  Roxas Blvd.); M.H. del Pilar (mula Kalaw hanggang  Pablo Ocampo); Mabini (mula Kalaw hanggang Pablo Ocampo); Pablo Ocampo (mula Taft Ave. hanggang  Osmeña Highway); Osmeña  Highway; Quirino Ave.; Taft Ave.; Kalaw; U.N. Ave.; San Marcelino (mula Quirino Ave. hanggang Romualdez St.); Pedro Gil (mula Quirino Ave. hanggang  Panaderos); Guanzon Ave.; Quirino Ave. Extension; Ayala Blvd.; Padre Faura; Padre Burgos Ave.; Finance Road; Lawton; Arroceros, Antonio Villegas; Ayala Bridge; Quezon Bridge; McArthur Bridge; Jones Bridge; P. Casal St.(mula Ayala Bridge hanggang  Mendiola); C.M. Recto (mula Mendiola hanggang Abad Santos); Legarda St.; Ramon Magsaysay Blvd.; V. Mapa St.; Quezon Blvd.; Rizal Ave.;Escolta; Quintin Paredes; Plaza San Lorenzo Ruiz; Jose Abad Santos Ave.; A.H. Lacson Ave.; Tayuman (mula A.H. Lacson hanggang Juan Luna); España; Dapitan; Laon-Laan (mula Alfonso Mendoza hanggang  A.H. Lacson Ave.); Dimasalang; Blumentritt (mula Aurora Blvd. hanggang North Ce­metery); Road 10; G. Tuazon at Adriatico (mula Padre Faura hanggang Quirino Ave.).

Giit ni Moreno, kailangan nila ang  tulong at disiplina ng mga operators gayundin ng mga drivers  upang maging  maayos ang  daloy ng mga  sasakyan sa ilang pangu­nahing kalsada. Ito rin ang tanging paraan upang  mawala ang kolorum sa daan.

Kasama rin sa pulong sina Logica, 3rd District Councilor Let-Let Zarcal, 5th District Councilor Mon Yupangco, at MDTEU chief, Chief Insp. Olive Sagaysay.

 

AVE

AYALA BRIDGE

HANGGANG

KALAW

MULA

PABLO OCAMPO

QUIRINO AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with