^

Metro

2 kawani ng Meralco, nakuryente

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang kawani ng Manila Electric Company (MERALCO) matapos ma­kuryente, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kapwa nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital ang mga biktimang sina Peter Louie Salandanan, 29, 1st class line man, ng Binan, Laguna at  Arthur Fernandez, 25, 2nd class line man, ng Bagong Silang, Caloocan City.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni SP01 Evaresto Sa­rangey­­­, ng Homicide Section, Pasay City Police, naganap ang insidente alas-11:55 ng umaga sa Loraine St., Park Avenue ng naturang siyudad.

Nabatid na habang nakasakay ang dalawa sa isang basket truck at naglalagay ng kable ng kuryente sa isang poste na may  40-palapag nang aksidenteng mapadikit  sa isang live high tension wire  dahilan upang makuryente ang mga ito hanggang sa nangisay ang nasabing mga biktima.

Dahil sa tinamong degree burn ng mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan kung kaya’t mabilis na isinugod ang mga ito ng kanilang mga kasamahan sa nabanggit na ospital. Sa ngayon ay inoobserbahan ang mga biktima dahil sa maselang kalagayan ng mga ito at patuloy pang iniimbestigahan  ng mga pulis ang naturang insidente.

ARTHUR FERNANDEZ

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

DIOS HOSPITAL

EVARESTO SA

HOMICIDE SECTION

LORAINE ST.

MANILA ELECTRIC COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with