^

Metro

Jewelry shop hinoldap: P2-M alahas tangay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tindahan ng alahas ang hinoldap ng apat na armadong suspek sa mataong lugar ng Cubao kung saan natangay ang may P2 milyong halaga ng alahas sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat,  may apat suspek ang umatake sa sangay ng First Allied Emporium Jewelry Inc., subalit dalawa lamang sa kanila ang pumasok sa loob  dahil nagsilbing look out ang dalawa pa na sakay ng mga motorsiklo na walang plaka.

Nangyari ang insidente, ganap na alas- 9:45 ng umaga kung saan kabubukas lamang ng nasabing shop na matatagpuan sa kahabaan ng Gen. Roxas, Araneta Center, Cubao.

Ang nasabing tindahan ay pag-aari ng isang Anaclito Cay, 54, ay nasa labas ng mall malapit sa General Araneta kadikit ng pawnshop at money changers.

Ayon kay PO3 Jamie de Jesus, biglang pumasok ang  mga suspek na nakasuot ng bullcap at nag­deklara ng holdap habang nakaabang ang dalawa pa sa labas.

Hinataw ng martilyo ang display case saka sinimot ang mga alahas sa loob ng eskaparate at saka mabilis na nagsitakas sakay ng mga motorsiklo ng kanilang mga kasamahan.

Isang security guard na nakaposte sa entrance ng mall ang pinaputukan ang mga tumatakas na suspek, pero nagmintis din ito, habang si PO1 Leo Damo na nakatalaga malapit sa lugar ay sinasabing natamaan ang isa sa mga suspek.

Nakapatay umano ang CCTV camera ng shop nang maganap ang insidente, gayunman, ilan sa mga testigo ang nakatukoy sa isa sa mga suspek sa pamamagitan ng rogue gallery.

ANACLITO CAY

ARANETA CENTER

AYON

CUBAO

FIRST ALLIED EMPORIUM JEWELRY INC

GENERAL ARANETA

ISANG

LEO DAMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with