^

Metro

One strike policy sa illegal gambling 10 PCP commanders, pinasisibak ni Erap

Doris Franche-Borja at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasisibak na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang 10 police community precinct (PCP) commanders  sa lungsod bunsod na rin ng  kabiguang masawata ang illegal gambling sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Estrada, na­ging malinaw ang kanyang panawagan  sa pamunuan ng MPD kaugnay sa pagsugpo ng  illegal gambling subalit tila binalewala  na lamang ito ng mga opisyal.

Lumilitaw sa  memorandum na inilabas ni Estrada, agad nitong inutos kay MPD director Chief Superintendent Isagani Genabe Jr. na alisin na sa puwesto ang 10 PCP  alinsunod sa  ipinatutupad na  “one strike and no take policy” kontra ilegal na sugal sa mga opisyal.

Kabilang sa mga ipina­alis sa pwesto ay sina Chief Inspector Magno Gallaro ng Don Bosco PCP;  Ins­pector Edward Samonte ng Gagalangin PCP; Inspector Rexon Layug ng Delpan PCP;  Chief Inspector Jhonny Gaspar ng Asuncion PCP; Senior Inspector Robinson Maranon ng Barbosa PCP; Chief Ins­pector Eugenio Extramadura ng Alvarez PCP; Inspector Ronaldo Santiago ng Blumentritt PCP;  Senior Inspector Patrick de Leon ng San Andres PCP;  Inspector Leo­nardo de Guzman ng Zamora PCP at  Chief Inspector Louie Guisic ng San Nicolas PCP.

Sinabi ni Estrada na  hindi umano siya mangingiming magpasibak  ng mga opisyal  ng pulis kung patuloy lamang sa pamamayagpag ang iligal na sugal, gayundin ang pa­ngongolekta kung saan ang mga mahihirap  ang nakokotongan.

Paliwanag ni Estrada nais niyang  ibalik ang  magiging “Manilas Finest” ng  MPD hanggang sa ito ay maging “country’s Finest”.

CHIEF INS

CHIEF INSPECTOR JHONNY GASPAR

CHIEF INSPECTOR LOUIE GUISIC

CHIEF INSPECTOR MAGNO GALLARO

CHIEF SUPERINTENDENT ISAGANI GENABE JR.

DON BOSCO

INSPECTOR

PCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with