^

Metro

P250-M shabu nakumpiska ng PDEA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P250 milyong halaga ng hinihinalang iligal na drogang shabu ang nakum­piska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa entrapment operation sa dalawang Chinese­ national, kamakalawa sa Las Piñas City.

Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Jang Wei Chung, alyas “Airas Chen”, 30, ng #236 Ongpin St., Sta. Cruz, Maynila; at Yaya Zheng, 26.

Nabatid sa ulat na isinagawa ang operasyon kama­kalawa ng hapon makaraang isang asset ng PDEA ang nakipagtransaksyon sa mga suspect sa pagbili ng shabu. Itinakda ang bentahan sa may Brgy. Pamplona II, ng naturang lungsod.

Hindi na nakapalag sina Jang at Zheng nang mapalibutan ng mga ahente ng PDEA matapos na magkaabutan ng bayad at ng droga. Nakumpiska sa posesyon ng mga suspect ang nasa 50 kilo ng hinihinalang shabu at isang Mitsubishi Montero na gamit ng mga suspect sa operasyon.

Nakadetine ngayon sa PDEA detention cell ang mga suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

AIRAS CHEN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

JANG WEI CHUNG

LAS PI

MITSUBISHI MONTERO

ONGPIN ST.

YAYA ZHENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with