^

Metro

Krimen sa Metro hotspots, bumaba na - NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumaba na umano ang antas ng krimen na naitala sa tatlo sa limang street crime hotspots sa Metro Manila, ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr.

Sa ginanap na 5th coordination confe­rence ng Philippine National Police Integra­ted System and Street Crime, iprinisinta sa kanya ng mga hepe ng Manila Police Districts, Eastern Police District at Northern Police District na bumaba ang crime rates sa lugar­ ng kanilang nasasakupan dahil sa binuo nilang Task Force kasama ng mga prog­rama para mapigilan ang krimen.

Kabilang sa bumaba ang bilang ng krimen sa mga lugar ng University Belt sa May­ nila, Kalentong sa Mandaluyong at sa Monumento Circle sa Caloocan City. Wala pa namang update na ibinibigay si Garbo sa antas ng krimen sa iba pang hotspots kabilang ang EDSA­-Taft-Baclaran sa Pasay; at E. Rodriguez-Cubao sa Quezon City.

Kumbinsido naman si Garbo sa mga iprinisintang datos ng mga district directors sa pagbaba ng crime rates sa kanilang mga lugar makaraang pagsabihan niya ang mga ito na huwag doktorin ang mga accom­plishment reports nang kanyang unang tukuyin ang mga crime hotspots.

Subalit sinabi pa rin ni Garbo sa mga District Directors na kailangan pa rin ng improvements tulad ng pagbuo ng mga social media account para sa cime monitoring, pagsangkot sa publiko sa paglaban sa krimen at pagpaparating ng kanilang mga “accomplishments”.

Kabilang rin sa napag-usapan ang paglalagay ng “closed circuit television camera (CCTV)” sa loob ng mga police stations upang mabantayan kung may mga nagaganap na suhulan sa loob ng mga presinto at mabanta­yan ang trabaho ng mga pulis.

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

DISTRICT DIRECTORS

EASTERN POLICE DISTRICT

KABILANG

MANILA POLICE DISTRICTS

MARCELO GARBO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with