^

Metro

Protestang bayan ikinasa vs oil price increase

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinasa ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang isang malawakang protestang bayan upang kondenahin ang patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo.

Ayon kay Piston President George San Mateo, tutunguhin nila ang gusali ng mga kompanya ng langis sa bansa upang iparinig nila dito ang pagbatikos sa serye ng oil price hike at ang maga­ganap na isa na namang pagtaas sa presyo ng gasolina ngayong linggo na aabot anya sa P2 sa gasolina at P1 sa Diesel.

Bago ito, magsasagawa muna ng pro­testa ang transport group sa unahan ng gusali ng LTO at LTFRB sa East Avenue sa Quezon City   upang kondenahin ang Year-Model-Phase-Out sa UV Express at mga pampasaherong jeep gayundin ang mataas na halaga ng singil ng LTO sa mga huli nito.

Ayon kay San Mateo, hindi lamang sa Metro Manila ang pagkilos ng kanilang grupo kundi  sa iba’t ibang lugar sa bansa para iparating sa pamahalaan ang hinaing nila na maaksiyunan ang patuloy na pagtaas ng halaga ng gasolina.

AYON

EAST AVENUE

IKINASA

METRO MANILA

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

PISTON PRESIDENT GEORGE SAN MATEO

QUEZON CITY

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with