Gumagawa ng pekeng NAPOLCOM Entrance Exam, timbog
MANILA, Philippines - Maaaring makapag-produce ng mga pekeng pulis kung hindi masasawata ang tulad ng isang 32-anyos na lalaking responsable sa paggawa ng mga pekeng National Police Commission (Napolcom) examination, rating at iba pang pekeng dokumento na naaresto sa isang entrapment operation sa Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.
Sa mismong harapan ng kanyang stall dinakip ang suspect na si Robert Estanol, ng C.M. Recto Ave., Sta. Cruz, Maynila, dakong alas-10:30 ng umaga.
Sa ulat ni P/Insp. Consorcio Pangilinan, hepe ng MPD-Counter Intelligence and Security Branch (CISB-DID/D2), isinagawa ang operasyon bunsod ng kautusang ibinaba ni NAPOLCOM-NCR Regional Director Yolanda Lira, hinggil sa mga pekeng NAPOLCOM Entrance Examination.
Una umanong nagsagawa ng surveillance ang MPD kasama ang mga tauhan ng NAPOLCOM subalit bigo silang mapalutang ang suspect hanggang sa muling isagawa ang operasyon kung saan nagpanggap ang tauhan ng MPD-CISB na si PO2 Aaron Quiling na magpapagawa ng NAPOLCOM document.
Nagpagawa si Quiling sa halagang P600 para sa naÂsabing dokumento at sa loob lamang ng apat na oras ay nakuha na niya ito. Nang bayaran na ay saka inaresto ang suspect.
Nakuha sa suspek ang mga pekeng dokumento kaÂbilang ang NAPOLCOM Report Rating, NAPOLCOM CertiÂfication, PNP Entrance Report Rating at P600 na ginamit sa entrapment. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito.
- Latest