^

Metro

14 miyembro ng MNLF, inaresto sa may poll precinct

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labing-apat na uma­no’y  miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na pawang armado ng baril ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 2  makaraang pagdudahan sa kakaibang kilos, habang isinasagawa ang halalan, sa Rosauro Almario Ele­mentary School sa Zaragosa St., Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo S. Lim , kinumpirma sa kanya kahapon nang agad niyang tawagan si MNLF chairman Nur Misuari na mga ta­uhan niya ang 14 kalalakihan na hawak ngayon ng MPD-Station 2.

Sampu pa lang sa mga dinakip ang pinangalanan. Ito ay sina Rolando Olamit, lider ng grupo; Rodillo de Guzman, Nelson Mustafa, Abdukhani Waraje, Jalim Majid, Jeffrey Osim, Salibe Abdulhan, Recson­ Ampa, Comdi Majid, Teodoro Tana.

Sasampahan umano sa piskalya at sa Comelec ng mga kasong illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa Comelec gun ban ang mga suspect dahil narekober mula sa kanilang pag-iingat ang 3 kalibre .45 baril at isang 9 mm.

Bukod pa rito, nakuha rin sa kanilang sasakyan ang isang laptop na pag-aari ni Misuari at P300,000  na kanilang ni-raise dahil kakailanganin umano sa problema nilang kinaka­harap sa Davao.

Ayon sa nadakip kadara­ting lamang nila kahapon mula Davao at nagpaalam ang kanilang isang kasamahan na may pupuntahan subalit hindi nila ma­tagpuan kaya hinanap nila ito dahil uuwi na sana sila ngayong araw sa Davao.

Ang mga baril din na dala ay proteksiyon lamang umano sa katawan.

Una nang sinabi ni Supt. Ernesto Tendero na pina­libutan ng kaniyang mga tauhan ang sasakyan ng mga suspect dahil nakita nila ang naka­bukol na mga baril sa damit, na nagkunwaring boboto subalit hindi makasagot kung anong barangay sila residente.

Hanggang sa aminin na may hinahanap lang silang kasamahan.

ABDUKHANI WARAJE

AYON

COMDI MAJID

COMELEC

DAVAO

ERNESTO TENDERO

JALIM MAJID

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with