^

Metro

Aussie tiklo sa child trafficking at pornography

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong menor-de-edad ang nailigtas ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kamay ng Australyano na sina­sabing inaabuso nito sa  Cebu City.

Kinilala ni NBI Director Nonnatus Caesar Rojas ang suspect  na si Keith Robert Hutton, 65, pansamantalang nanunuluyan sa Ace Pension Hotel, Pajo,  Lapu-Lapu City, Mactan Island, Cebu.

Sa report  ng NBI Foreign Liaison Division (FLD), Central Visayas Regional Office (CEVRO) at  Cybercrime Division (CCD),  humingi ng tulong ang  Australian Federal Police  sa pama­magitan ng  Australian Embassy na magsagawa ng surveillance laban­ sa child sex offender na si  Hutton.

Sa isinagawang surveillance, natunton si Hutton sa nasabing pension house at napuna na madalas umanong may mga kabataang babae ang umaakyat sa kuwarto nito.

Nasamsam sa suspect ang dalawang laptop na may larawan ng mga hubad na babae, 2 digital camera na may mga larawan din ng mga babaeng nakahubad at nakikipagtalik.

Pinaniniwalaang ginagamit ng suspect ang mga kabataan sa cybersex business nito.

Kasong paglabag sa RA 7610 (Child Abuse Law), RA 9208 (Anti-Human Trafficking Law) at  RA 9775 (Anti-Child Pornography Law) ang isinampang kaso laban sa suspect  sa City Pro­secutor sa  Lapu-Lapu City habang nakapiit sa himpilan ng pulisya kung saan walang piyansa ang inirekomenda ng piskalya.

ACE PENSION HOTEL

ANTI-CHILD PORNOGRAPHY LAW

ANTI-HUMAN TRAFFICKING LAW

AUSTRALIAN EMBASSY

AUSTRALIAN FEDERAL POLICE

CEBU CITY

CENTRAL VISAYAS REGIONAL OFFICE

LAPU-LAPU CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with