^

Metro

Matadero kritikal sa taga ng dating kaibigan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang kalagayan ng isang matadero makaraang pagtatagain ng dati nitong kaibigan  nang magkahamunan ng away, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Isinugod sa San Juan de Dios Hospital dahil sa mga taga sa ulo, leeg at braso ang biktimang si Ramil Penasbo, 39, ng B. Mayor St., habang naaresto naman sa operasyon ang suspek na si Aldwin Badajos, 36, kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon, nagbabantay sa isang palaruan ng pool sa Mayor Street si Badajos nang dumating ang biktimang si Penasbo dakong alas-4 ng hapon.  Labis umano ang pag-iingay ng biktima na ikinagalit ng mga naglalaro ng pool dahil sa nawawalan ng konsentrasyon sa kanilang pustahan.

Pinagsabihan naman ni Badajos ang biktima ngunit nagalit umano ito at sinapak siya sa mukha.  Naawat naman ang dalawa hanggang sa umuwi na lamang si Badajos. Ngunit sinundan pa umano si Badajos ni Penasbo at hinamon siya ng away.  Dito na kumuha ng itak sa kanyang bahay ang suspek at pinatulan ang dating kaibigan na kaniyang pinagtataga.

Nakadetine ngayon sa Pasay detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

vuukle comment

ALDWIN BADAJOS

BADAJOS

DIOS HOSPITAL

DITO

MAYOR ST.

MAYOR STREET

PASAY CITY

PENASBO

RAMIL PENASBO

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with