Deadline ng POGO workers sa downgrade ng visa sa Oct. 15, ‘di na palalawigin - BI
MANILA, Philippines — Hindi na umano palalawigin pa ng Bureau of Immigration (BI) ang October 15 deadline na ipinagkaloob nito sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers upang boluntaryong maghain para sa pag-downgrade ng kanilang visa.
Ito ang kinumpirma ni BI Commissioner Joel Anthony Viado matapos ang isang briefing na isinagawa nila, kasama ang mga opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at mga kinatawan ng mga kumpanya ng POGO noong Setyembre 30.
Nabatid na ang visa downgrading ay nagpapahintulot sa mga foreign nationals na i-revert ang kanilang estado mula sa work visa at maging temporary visitor visa na lamang, upang mapahintulutan silang manatili pa rin ng legal sa Pilipinas sa loob ng 59 na araw habang inaayos ang kanilang mga usapin sa bansa.
Ayon kay Viado, ang naturang 59-day period matapos ang Oktubre 15, ay alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa mga foreign POGO workers na umalis na ng bansa bago matapos ang taon.
Tiniyak din ni Viado na ang BI ay committed sa pagpapabilis ng downgrading process para sa mga POGO employees.
Babala ng BI, ang mga manggagawang mabibigong lumabas ng bansa pagsapit ng Disyembre 31, 2024 ay mahaharap sa deportation proceedings at iba-blacklist upang hindi na muling makabalik ng Pilipinas.

Mer Layson

- Latest