^

Metro

5 sa towing firm, arestado sa paghatak ng kotse

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang empleyado ng isang credit management company at towing service ang inaresto ng pulisya nang hatakin ang sasakyan ng isang lalaki na pinaniniwalaang may utang, nitong Lunes ng gabi. 

Kinilala ang mga suspek ay kinilalang sina alyas “Floyd”, 26-anyos, collection agent; alyas “Napoleon”, collection agent; alyas “Jefferson”, 27, collection agent, alyas “Jeric”, 27, helper; at alyas “Jaime”, 55, driver. 

Dakong alas-8:22 ng gabi ng Setyembre 30, 2024, bandang 8:22 PM, isang sasakyan ang puwersahang kinuha sa Barangay Talon Tres, Las Piñas City.

 Humingi ng saklolo sa pulisya ang complainant na si alyas “Angelo”, 42, nang pwersahang kunin sa kaniyang bahay ng grupo ang isang Suzuki Alto na pag-aari niya. 

Nang respondehan ay hiningan ng dokumento ang grupo sa kanilang towing operation subalit bigong magprisinta ang anumang papel kaya sila dinakip at itinurn-over sa Anti-Carnapping Section (ANCAR) ng Las Las Piñas City Police Station ala-1:00 ng madaling araw ng Oktubre 1.

 Nakarekober ang pu­ting Suzuki Alto at isang puting utility vehicle na ginamit na bilang tow truck.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with