^

Metro

Senatorial aspirant Daniel Magtira, gustong ‘magpakasal kay Imee Marcos’ 

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Dating ‘nainlab’ kay Kris Aquino

MANILA, Philippines — Nais ng senatorial aspirant na si Daniel Magtira na muling sumubok na pumasok sa pulitika kung saan balak niyang gawing “muse” o asawa si Sen. Imee Marcos.

Dati nang itinuturing na “nuisance candidate” si Magtira na nagtangkang tumakbong senador noong 2015 at 2018 kung saan idineklara niya ang kanyang “pagmamahal” para sa host-actress na si Kris Aquino at sa huling pagtatangka, inangkin pa niyang asawa ng “Queen of All Media.”

Sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy noong Oktubre 1, sinabi ni Magtira na palaging wala si Aquino at hindi niya alam kung nasaang planeta ito kaya ang papakasalan niya ay si Marcos na kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Lagi siyang (Kris) wala, nasa ibang planeta eh, ‘di ko alam kung saang planeta siya eh…Kaya papakasalan ko na lang si Imee Marcos.” Kamakailan ay bumalik si Aquino sa Pilipinas mula sa Estados Unidos pagkatapos ng dalawang taon ng pagpapagamot at rehabilitasyon para sa ilang mga sakit na autoimmune.

Kinantahan pa ni Magtira si Sen. Marcos ng “I will love you until death. I will always love you, my love is pure and I’m happy being with you forever.”

Sa kanyang plataporma, nais ni Magtira na labanan ang katiwalian at isulong ang mas mataas na sahod. Sakaling madiskwalipika sa muling pagtakbo, iaapela umano niya ang kanyang bid sa pamamagitan ng Integrated Bar of the Philippines.

vuukle comment

DANIEL MAGTIRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with