^

Metro

2 bebot timbog sa pekeng pera

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakumpirma na kumakalat ang mga pekeng pera makaraang maaresto ng otoridad ang dalawang babae na nagbayad ng pekeng P1,000 bill sa isang tindera sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Sina Mylene Gelledo, 30; at Cathy Bautista, 26, kapwa residente ng #55 Kasayahan St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City ay nadakip ng Pasay City Police, dakong alas-10:50 ng gabi sa Aliwan Festival sa CCP Complex nang makorner ng mga nabiktimang mga vendor.

Unang nagkagulo sa tapat ng tindahan ni Joie Ric Ava, 34, nang kumprontahin ang dalawang babae nang madiskubreng peke ang apat na P1,000 na ibinayad ng mga ito dahil sa pare-pareho ang serial numbers.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 1 kung saan nagsulputan na rin ang ibang vendor na binayaran din ng pekeng pera ng dalawa.  Aabot sa 12 pirasong pekeng tig-P1000 bills ang naibayad at nakumpiska sa mga suspect.

Dito na inaresto ng mga pulis ang dalawang babae.  Nahaharap ngayon ang mga ito sa kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code (Illegal Possession and use of false treasury or bank notes) sa Pasay Prosecutor’s Office.

Nagbabala naman ang Pasay Police sa publiko sa pagkalat ng pekeng pera.

 

ALIWAN FESTIVAL

BATASAN HILLS

CATHY BAUTISTA

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

ILLEGAL POSSESSION

JOIE RIC AVA

KASAYAHAN ST.

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with