Kelot na nagpanggap na parak, timbog sa maling suot na sapatos
MANILA, Philippines - Kulong ang isang lalaki matapos na maaresto dahil sa pagkukunwaÂring isang pulis na nabuko dahil sa hindi tamang pagsusuot ng sapatos sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Si Jerry Pamintuan, 42, consÂtruction worker ay dinakip dakong alas -4 ng hapon, ayon kay Quezon City Police District director Senior Superintendent Richard Albano.
Nang maganap ang insidente si Pamintuan, ay nakasuot ng uniporme ng pulis at rubber shoes habang nagmamaneho ng motorsiklo sa kahabaan ng K-9th Street, dagdag pa ni Albano.
Pero naispatan siya ni PO3 Rodolfo Ramos dahil sa hindi tamang pagsusuot ng sapatos kung kaya ito pinahinto.
Sa halip na sumunod ay humarurot papalayo ang suspect dahilan para magkaroon pa ng habulan, hanggang sa maaresto rin ni Ramos ang suspect sa isang gasoline station sa may panulukan ng Kasing-Kasing St. at Kamias Road.
Sinasabing kasama ni Ramos ang isa pang pulis nang komprontahin nila ang suspect na sumagot sa kanila ng “Police ako. PO3 Thompson ng Pampanga Police Station .â€
Subalit, nang hingin ang kanyang identification card at badge, ay wala itong maipakita. Lalo nang tingnan ni Ramos ang patches ni Pamintuan ay nakitang ang ranggo nakalagay dito ay Inspector at hindi PO3. Sabi naman ni QCPD-Station 9 commander Superintendent Richard Fiesta, nang kapkapan pa ng kanyang tauhan ang suspect ay may nakuha pa ditong isang balisong.
Dahil dito, sinampahan ito ng kasong usurpation of authority at paglabag sa Omnibus Election Code ang suspect.
- Latest