Manhunt vs humoldap, pumatay sa cum laude ng PLM inutos
MANILA, Philippines - Inutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang manhunt operation laban sa dalawang lalaki na humoldap at pumatay sa isang cum laude ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila matapos na manlaban kamakalawa ng madaling-araw sa Maynila.
Kasabay nito hiniling din ni Jessie Concepcion, ama ng biktimang si Christine Dawn na imbestigahan ang Universal Funeral Homes sa Avenida Rizal dahil hubo’t hubad ang kanyang anak nang makita nila ito sa nasabing punerarya.
Kahapon ay personal na dumulog kay Lim si Mang Jessie upang mabigÂyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanÂyang anak na Tourism graduate sa PLM at kasalukuyang nagtatrabaho sa Dusit Hotel sa Intercon sa Makati City.
Ayon kay Lim, inatasan na niya si MPD director Chief Supt. Alex Gutierrez upang papanagutin ang mga suspect na hanggang sa ngayon ay nakalalaya pa rin.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya si Christine Dawn ay binaril at napatay dakong alas-4:05 ng madaling-araw kamakalawa habang lulan ng pamÂpasaherong jeep (PUZ 579) na minamaneho ni Domingo Yuson, 50, sa kanto ng Jose Abad Santos at Rizal Ave., Sta. Cruz, Manila.
Pumara ang suspect at nagpanggap na pasahero subalit hindi pa man nakakalayo ang jeep ay naglabas ng kalibre 45, saka nagdeklara ng holdap at sapilitang kinuha ang cash at pera ng ilang pasahero.
Pumalag umano ang biktima at tumangging ibigay ang hinihingi ng holdaper kaya walang sabi-sabing binaril ito sa kaliwang mukha.
- Latest